Valiente sa TV 5

 

Valiente Tcard2

Valiente sa TV5:

Ang Pagbabalik ng Pinakamatagumpay na Dramaserye sa Philippine TV

Kapag ang pagmamahal, kasakiman at paghihiganti ang bumalot sa isang malalim na pagkakaibigan, maaari itong mag-udyok upang pasakitan na isang tao ang malalapit sa kanyang puso. Dito umiikot ang isang klasikong istoryang pumukaw sa milyon-milyong manonood na tumutok sa pinakamatagumpay na soap opera sa hapon na ipinalabas sa Philippine TV may dalawampung taon na ang nakalilipas – ang Valiente.

Matapos ang limang taong matagumpay na pag-ere sa dalawang malaking istasyon, ang Valiente ay nagbabalik upang imibitahang muli ang mga manonood na sumubaybay sa naturang teleserye pati na rin ang bagong henerasyon ng mga manonood na paniguradong makaka-relate sa nakakaantig nitong kuwento dalawang dekada ang makalipas.

At ngayo’y unang ipapalabas sa primetime TV sa ilalim ng masusing direksyon ng multi-awarded director na si Joel Lamangan, ang Valiente ay sasalamin sa natatanging istorya ng dalawang pamilyang haharap sa hamon ng buhay at magtutunggali upang makamit ang tunay na pagmamahal at katotohanan. Ang napaka-gandang istorya nito ay bibigyang buhay ng magagaling at naglalakihang cast ng bagong henerasyon na pinangungunahan ng mga Kapatid stars na sina Oyo Sotto, Nadine Samonte, Nina Jose at JC De Vera.

valiente_jc-de-vera_295                  valiente_nadine-samonte_756

valiente_oyo-sotto_269                   valiente_nina-jose_459       

Sa Valiente matutunghayan ng mga manonood ang malalim na pagkakaibigan nina Theo Braganza (Oyo Sotto) at Gardo Valiente (JC De Vera) na hahamunin dahil sa kasakiman at ganid na ina ni Theo na si Donya Trining (Jaclyn Jose). Si Donya Trining ang namumuno sa pamilya Braganza at sa kanilang mga negosyo na nagresulta sa pag-aaklas ng mga tauhan nito. Ang alitan ng mga Braganza at Valiente ay lalong pinainit ng pag-iibigan nina Gardo at Maila Braganza (Nadine Samonte). Sina Theo at ang tusong kapatid nilang si Leona (Nina Jose) ay gagawin ang lahat upang hadlangan ang pag-iibigan ng mga ito at makamit ang hangad ni Leona na mapasakanya si Gardo.

Kasama ng bagong henerasyon ng Valiente cast ang mga nirerespeto at tinitingalang aktor sa industriya: Mark Gil, Jaclyn Jose, Gina Alajar at ang tinaguriang orihinal na gumanap bilang Valiente na si Michael de Mesa.

Ipinakikilala din ang mga bagong artistang dapat abangan ng mga manonood sa Valiente na sina Ross Pesigan (Batang Gardo), Liane Valentino (Batang Maila), Czarina Suzara (Batang Leona) at Arvic Rivero (Batang Theo). Kasama din ang mga magagaling na aktor na sina John Regala (Peping), Jim Pebanco (Ariston) at Toni Mabesa (Victorino Penitente).

Ipinagmamalaki din ng Valiente ang natatanging rendisyon ng orihinal na theme song nito na muling kinanta ni Vic Sotto, na siya namang orihinal na singer nito. Ang orihinal na kuwento ng Valiente nito ay obra ng highly acclaimed scriptwriter na si Gina Marissa Tagasa.

Ang primetime viewing ay paniguradong mas iinit, mas magiging kapana-panabik at mas aabangan sa pagbabalik ng pinakamatagumpay na teleserye ng bansa na magsisimula na ngayong Pebrero 13 sa TV5.

Para sa esklusibong impormasyon tungkol sa Valiente, maging fan on Facebook at follower on Twitter:

http://www.facebook.com/TV5Valiente | https://twitter.com/#!/Valiente2012

Comments

Popular posts from this blog

CINEMA LINES NATIONWIDE ALIGN WITH “THE FAULT IN OUR STARS” WHEN IT OPENS JUNE 5 IN THE PHILIPPINES

Earthday Jam 2024 Rocks for Mother Earth

Cebu Landmasters Achieves Prestigious Great Place to Work® Certification, with 95% of its employees saying "I am proud to tell others I work here"