May COMELEC Mall Voting sa SM Supermalls sa May 12 Mas pinadali ang pagboto ngayong Halalan 2025—dahil sa mall na!

 



Heto na ang hinihintay nating mga botante! Ilang araw na lang at May 12, 2025 National and Local Elections

na —at ngayong taon, mas madali, komportable, at malapit na ang maaari mong pagbotohan.

Puno ng botante ang venue sa SM North EDSA noong Barangay at Sangguniang Kabataan Elections

2023.

Sa pakikipagtulungan ng Commission on Elections (COMELEC), ipatutupad na ang Mall Voting Program (MVP) sa 20 piling SM malls nationwide. Layunin nitong ilapit ang halalan sa publiko—sa literal na paraan.

Tapos na ang mga araw na kailangang pumila sa mainit at siksikang classrooms ng eskwelahan. Ngayong

May 12, kung kasama ang precinct mo sa MVP, sa SM mall ka na boboto—presko, maaliwalas, at may mga mag-a-assist pa kung kailangan mo ng tulong.

Maging sino ka man--working professional, senior citizen, Persons with Disabilities (PWD), o parent on-the-go—ginawang mas magaan ang pagboto, isang hagdan o escalator lang ang layo!

Sino ang puwedeng bumoto sa mall? 

Mga botante na opisyal na nailipat ang precinct sa mall, ayon sa final list ng COMELEC.

Paano malalaman kung sa mall ako boboto?

  • Bisitahin ang precinctfinder.comelec.gov.ph

  • I-check ang iyong Voter Information Sheet (VIS)

  • Tingnan ang mall posters/tarpaulins

  • Magtanong sa barangay caravan o local COMELEC office


Voting Hours sa Mall:

  • 5:00 AM – 7:00 AM — Priority voters: Seniors, PWDs, at buntis

  • 7:00 AM – 7:00 PM — Regular voting hours



Puwede bang may sumama para tumulong sa pagboto? 

Oo! Puwede ang kamag-anak (hanggang 4th degree) o Electoral Board member.

Makakaboto rin ba ang kasama ko sa mall? 

Kung pareho kayo ng precinct at pareho itong nailipat sa mall, puwedeng-puwede!

Narito ang 20 SM malls na kalahok sa Mall Voting Program:

  1. SM City Manila

  2. SM City North EDSA

  3. SM City Fairview

  4. SM City Sucat

  5. SM City Bicutan

  6. SM City BF Parañaque

  7. SM City East Ortigas

  8. SM City Southmall

  9. SM City Cauayan

  10. SM City Baliwag

  11. SM City Tarlac

  12. SM City Batangas

  13. SM City Santa Rosa

  14. SM City Puerto Princesa

  15. SM City Legazpi

  16. SM City Iloilo

  17. SM City Consolacion

  18. SM CDO Uptown

  19. SM CDO Downtown

  20. SM City Butuan



Sa SM Supermalls, may convenient na mall voting experience para sa 2025 elections sa 20 SM malls nationwide.

Mula Luzon hanggang Mindanao, buong puso ang suporta ng SM Supermalls para sa makabuluhang pagboto ng

bawat Pilipino. Ang COMELEC naman ang bahala sa trained personnel, security, at logistics ng halalan,

nakaabang ang SM personnel kung kinakailangan.


Bakit effective ang mall voting?

  • Accessible sa seniors, PWDs, at buntis

  • May ramps, elevators, at maayos na upuan

  • Familiar at safe na lugar para sa lahat

“We believe democracy should be inclusive, convenient, and secure,” sabi ni Junias Eusebio, Vice President para sa Mall Operations ng SM Supermalls. “Sa pagbubukas ng aming malls bilang

voting venues, nais naming gawing mas madali at komportable ang pagboto para sa bawat Pilipino.”


Nakaupo at nakamasid ang mga tao sa mga kaganapan habang hinihintay ang resulta ng halalan sa SM

North EDSA.

Demokrasyang may ginhawa

Hindi ito ang unang pagkakataon na tumutulong ang SM sa gobyerno. Sa pamamagitan ng SM Government Service Express

(GSE), puwede ka nang mag-process ng ID, permits, at iba pang serbisyo—lahat sa mall!

Planuhin na ang pagboto!

Kung eligible ka for mall voting, hintayin ang official advisory mula sa COMELEC

. Sa May 12, punta sa iyong assigned SM mall, dalhin ang valid ID, at bumoto nang maayos at maginhawa.

Sama -sama nating isulong ang ligtas, maayos, at makabuluhang halalan! 

Hanapin nang madali ang precinct number mo sa precinctfinder.comelec.gov.ph


Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.smsupermalls.com o i-follow ang @smsupermalls sa

social media.


Comments

Popular posts from this blog

CINEMA LINES NATIONWIDE ALIGN WITH “THE FAULT IN OUR STARS” WHEN IT OPENS JUNE 5 IN THE PHILIPPINES

Sovereign Seal of Business Triumph & Remarkable Achievers Awards Set to Honor Outstanding Leaders and Innovators

Countdown to Excellence: 2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Award 2024