Ang masayang bonding moments ng family ni Baeby Baste
Hindi madali na mapanatiling maayos at malapit ang relasyon ng isang pamilya. Importante ang quality time para maging matatag ang samahan ng mga magulang at mga anak. May mga pagkakataon na dapat talagang gumawa ng paraan o gimik ang mga magulang para maging masaya ang samahan. Tulad ni Mommy Sheila Granfon, ina ng child star na si Baeby Baste na napapanood sa "Eat Bulaga" sa GMA 7. Ayon sa kanya, hindi niya kinu-kompromiso ang oras sa pamilya para sa ibang bagay. "Bilang mommy , lagi akong hands-on pagdating sa pag-aalaga ng mga bata at sa asawa ko. Sinisigurado ko palagi na meron kaming quality time ," ayon kay Mommy Sheila. Simple lang ang mga Granfons sa kanilang bonding moments dahil madalas ay nasa bahay lamang sila. "Nagluluto kami o nanunood ng movies sa TV. Bahay-bahayan kami. Hindi nawawala ‘yun," sabi ni Mommy Sheila. Perowala na sigurong hihigit pa sa bonding moments nila kung saan sabay-sabay silang kumaka...