Valiente sa TV 5–Mas Lalong Umiinit Ang Kuwento
Valiente ng TV5, lalong umiinit ang kuwento Walang duda kung bakit minamahal ng sambayanan ang kuwento ng Valiente nang una ito ipinalabas dalawang dekada na ang nakalipas. Kahit na lumipat ito ng istasyon noon, sinundan pa din ito ng mga manonood dahil mahirap bumitiw sa napakagandang kuwento nito. Ang natatanging kuwentong ito ay natutunghayan na sa bagong henerasyon sa pamamagitan ng dramaseryeng Valiente na napapanood na ngayon sa primetime ng TV5. Hindi matawaran ang ganda ng produksiyon ng makabagong Valiente na sumasailalim sa masusing direksyon ng multi-awarded director na si direk Joel Lamangan. Mabilis ang takbo ng kuwento ng Valiente at bawat eksena ay tumatatak sa mga manonood. Matapos ang pagkamatay ni Don Armando Braganza (Mark Gil), bulgar na ang kasakiman ni Doña Trining (Jaclyn Jose) na handang gawin ang lahat maangkin lang ang yaman at kapangyarihan ng yumaong asawa. Naganap na ang aksidenteng kumitil sa buhay ni Luming Valiente (Gina Alajar) sa kagagawan ng