Tiger Leaf “Subok sa baybayin ng Cordillera”
Pagtalbog ng sasakyan sa biyahe—paano iiwasan?
SIMPLE lang ang pamilya ni Carlito Morona, tubong Nueva Ecija pero laking Kalookan—na may sariling paupahan ng mga vans.
At tuwing nakakaluwag siya pagdating ng bakasyon ng mga anak sa eskwela, niyayaya niya ang mga ito na magbakasyon sa probinsya nila at kung saan-saan pa gamit ang isa sa kanyang apat na vans na lahat ay mahigit walong taon na mula nang mabili niyang segunda mano.
Sa umpisa, hindi komportable ang biyahe nilang mag-anak sa probinsya, lalo na kung sila ay dadaan sa mga malubak o di maayos na kalsada. Balewala man ang init ng summer dahil nasa kundisyon ang mga aircon ng kanyang mga sasakyan, naiirita siya sa kahit maliit na bato sa kalsada.
Pero nakaraan na para sa kanya ang matagtag na biyahe dahil ngayon, komportable na ang kanyang buong pamilya kahit na hindi bago ang kanilang sasakyan. Ito ay dahil sa pagtangkilik ni Morona sa molye (leaf spring) na gawa ng Roberts Automotive and Industrial Parts Manufacturing Corporation (Roberts AIPMC), ang kumpanya na nakabase sa Cabuyao, Laguna at bahagi ng Uratex na gumagawa ng mga foam at mattress.
“Sa Tiger Leaf Spring na gawa ng Roberts, tiyak at garantisado ang komportableng biyahe, ma-off road man ito o hindi. Hindi kagaya ng ibang molye, ang Tiger leaf spring ay may katangiang kakaiba sa ibang mga manufacturers. Para kang bumibiyahe ng nakalutang,” sambit ni Morona.
“Tama si Ginoong Morona. Ang mga molye ng Roberts na may brand na ‘Tiger’ ay gawa sa isang mahusay na proseso at dumaan sa mas masusing pagsusuri ng aming mga eksperto. Ang mga ito ay dumaan pa sa matinding pagsubok na ang resulta ay lubos na ginhawa para sa driver at mga pasahero,” ani Mike Gonzalez, ang general manager ng Roberts Automotive and Industrial Parts Manufacturing Corporation (Roberts AIPMC).
Si Rafael Lucindo naman, ayon kay Gonzalez, ay isa ring katulad ni Morona na tradisyon na sa pamilya ang magbakasyon kung saan-saan kapag tag-araw. Hindi nila alintana ang init—maski ang kundisyon ng kalsada.
Hindi daw biro ang mga kalsada sa Cordillera, walang aspalto o semento man lang, dagdag pa ni Lucindo. Maputik, mabitak pero nakaya nila lahat dahil gamit nila ang Tiger leaf spring ng Roberts AIPMC.
Idinagdag din ni Morona ang iba pa niyang mga karanasan sa paggamit ng Tiger leaf spring, pati na sa mga katulad niyang nagpapaupa rin ng mga sasakyan na tumangkilik na sa maasahang produkto na ito.
“Isang barangay na kami sa Kalookan na gumagamit ng Tiger na molye mula sa Roberts AIPMC. Pati mga mekaniko ng aming mga sasakyan ay inererekomenda na ang Tiger,” ani Morona.
Para sa iba pang kaalaman tungkol sa Tiger leaf spring, pati na din sa Evercool radiator na gawa ng Roberts AIPMC, tanungin ang inyong paboritong mekaniko o magtungo sa kanilang website, www.roberts.com.ph.
Comments
Post a Comment